In Your Eyes - Isang Simpleng Script sa Tagalog

(Puwedeng i-click ang libro para makita nang fullscreen)

Ang script na ito ay isa sa mga una kong naisulat. Kakaiba ito sa mga pocketbook na format na karaniwan nating nababasa. Dahil nakasulat bilang isang script, direktang sinasabi ang lokasyon at oras na pinangyayarihan ng bawat eksena. Ang sequence ay tulad ng sa isang pelikulang pinapanood sa halip na isang nobelang binabasa.

Marami akong nakitang kapintasan sa script na ito nang basahin kong muli pagkatapos ng ilang panahon. Una na rito ay ang tila boring na simula. Aaminin kong sinadya ko ang style na ganoon para ipakita ang boring na buhay ng main character ng istorya. Pero bakit pa nga ba gagawan ng kuwento ang isang boring na buhay? Paano nga ba magkakainteres ang mga nagbabasa kung boring na sa simula pa lang? Ang dapat lang na maging boring ay ang paningin ng bida sa buhay niya. Pero sa totoo lang, wala naman talagang boring na buhay. Marami tayong hindi nakikita sa sarili nating perspective, at ito ang nais kong ipahatid sa mga nagbabasa.

Ikalawa, may pagkatragic ang kuwentong ito. Sa synopsis pa lang ay tila hindi ganun kagaang o ka-optimistic. Hidden, o medyo tago ang lesson, na maaaring hind ma-appreciate ng marami. Sa katunayan, ang unang titulo ng script na ito ay hindi “In Your Eyes”, kundi “Batingaw”. Iyon nga ang tagalog na salita para sa kampana na gumigising ng marami dahil sa malakas niyang tunog.

Pero sa kabila ng lahat, naniniwala akong may saysay ang kuwentong ito. Maaring kailangan lang irepackage para mas maging epektibo, tulad ng isang mapait na gamot na kailangan lamang lagyan ng asukal para tumamis at matanggap ng isang taong may sakit.

Ito ang challenge ko ngayon. Kung paano ito gawing higit na epektibo at maganda. Nais kong gawin itong isang nobela na mag-iiwan ng tatak sa mga magbabasa nito.

Share This and Inspire Others!

Ang Hirap Magpakatotoo!

1058113_conquer_the_world_3

Ang hirap magpakatotoo sa sarili!

Hindi naman sa nagpapaka-PLASTIC. Pero kung minsan, may mga ginagawa tayo hindi dahil sa iyon talaga ang gusto nating gawin, kundi dahil sa marami pang ibang bagay.

Halimbawa:

1. Ginagawa lang dahil sa obligasyon. (Note na may mga obligasyon din naman na masaya nating ginagawa at bukal sa puso. Hindi ito ang ibig kong sabihin.)

2. Ginagawa lang dahil gustong magpa-IMPRESS.

3. Ginagawa dahil iyon ang sinasabi ng karamihan na dapat gawin.

Tulad na lamang ng aking pagsusulat. Minsan, naitatanong ko sa sarili ko, isinusulat ko ba ang isang istorya o nobela dahil ito talaga ang laman ng puso ko, o dahil gusto ko lang magpa-IMPRESS? ;-)

Eh bakit nga ba kailangan pang maging totoo sa sarili?

Dahil magiging totoong masaya lang tayo kapag nagpakatotoo tayo sa sarili natin. At dahil kadalasan, hindi rin naman natin naiimpress ang iba kapag masyado tayong TH (trying hard) gawin iyon.

Madalas, naiimpress pa ang iba kapag sinunod natin ang totoong nilalaman ng ating puso’t kaluluwa.

Share This and Inspire Others!

Hindi Lahat Puwedeng Maging Nobelista

100_1476Hindi lahat ay puwedeng maging nobelista.

Hindi lahat ay kayang magmukmok sa isang sulok maghapon
kasama lamang ang kanyang laptop at ipod,
walang pumapansin,
walang pumapalakpak,
patuloy lang sa kanyang pagtipa ng keyboard,
patuloy sa pangangarap,
minsan mapapangiti,
minsan mapapaiyak -

hindi dahil sa walang pumansin sa kanya!
kundi dahil sa mga character na isinusulat nya,
dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanila,
o dahil sa isang nakakatouch na eksena.

Hindi lahat kayang magtiyaga nang ganun,
marami ang mabubuang,
marami ang mapapanisan ng laway,
marami ang sasakit ang mga daliri sa kakatype.

Pero kung sadyang lab mo ang ginagawa mo,
kakayanin mo,
kasi napapasaya ka nya,
at dahil alam mo kung gaano karaming tao rin ang mamapasaya
at mapapaluha ng isinusulat mo.

Hindi nga lahat ay puwedeng maging nobelista.

Share This and Inspire Others!

Wala Ako Sa Mood Ngayon

1156466_cup_of_coffee_Wala ako sa mood ngayon. Sinimulan kasi ng brownout umaga pa lang, at ng mainit na panahon. Hindi pa ba nakaschedule mag-snow sa Pilipinas? hehe. Buti na lang nakahabol pa ko panonood ng Oscars nung magkakuryente na.
Anyways, ang good news is that kahit kasasali ko pa lang ng blog ko sa
topblogs.com.ph ay number one na agad ito today sa books and literature category. Congrats to me! ;) Pero iyon, medyo mainit pa rin ang ulo ko, saka medyo inip na sa results ng review ng publisher sa nobelang pinadala ko. Two weeks to go, haayy. Sana ma-approve naman sya.

Times like this, nakakainis ang Pilipinas, kasi parang ginagawa nang regular
ang brownout, parang wala na talagang pag-unlad. Pero somehow, I still hope
na umunlad pa rin siya, after all, the fact na nandito pa rin ako indicates
na naniniwala pa rin akong may magandang pagbabagong maaaring mangyari.

Parang di nga lang masarap uminom ng kape ngayon, super init! Paborito ko pa
naman ang kape. Pero sige na nga, kahit mainit pa yan, bahala nang
tumagaktak ang pawis, maligo na lang ulit.

Share This and Inspire Others!

Gusto Kong Maging Nobelista!

100_1177Noong bata ako, simple lang. Pagkatapos ng assignment sa ’skewela,
puwede na maglaro o manood ng cartoons. Living in the moment talaga!
Tapos pag may konting cheeze curl lang or chichiria, ok na. Solved!

Hindi naman sa walang iniisip tungkol sa kinabukasan.
Alam kong mahirap lang kami, at iniisip kong magkaron ng magandang trabaho
balang araw, ang makabili ng magandang bahay, ng kotse, at syempre,
maraming laruan, as though kakailanganin ko pa rin yun paglaki ko, hehe.

Pero alam kong ginagawa ko na ang dapat kong gawin for the moment.
Pag-aaral. Yun lang. Kapag nag-aaral akong mabuti, alam ko nang
hindi ko pinababayaan ang kinabukasan ko. Then I pray pa, I trust in God.
Alam kong kasama ko sya.

Pero ano na nga ba ang nangyari nung lumaki na? Nung nagkaron na
ng magandang trabaho? At nung puwede nang makabili, este makapag-loan
ng bagong bahay?

Ayun, parang mas gumulo ang lahat. Hindi na kasi tiyak kung ano ang
susunod na moves. Maraming Kailangang gawin. Maraming sinasabi ang mga tao.
Mag-abroad. Iyon na daw ang susunod na kailangan dahil sa hirap ng buhay.
Bakit nga ba parati na lang parang ang hirap ng buhay? Kailan nga ba
naging maganda at mariwasa?

Sinubukan ko naman, ngayon nga, may visa na ako as immigrant.
Pero sa totoo lang, parang ‘di ko naman talaga type magwork sa ibang bansa.
Gusto ko dito, kung saan kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.

Pero iyon nga, ang daming expectations. Dapat mag-masters, dapat mag-aral uli.
Hayzz, walang katapusang pag-aaral at pagtatrabaho.

Iisa lang naman ang gusto ko pang gawin. Ang maging nobelista.
Ang makasulat ng mga nobelang makakaantig ng puso at isipan ng mga tao.
At gusto kong magkaro’n ng international bestselling novel,
yung ala-Harry Potter.

Siguro, iyon talaga ang dapat kong gawin at sundin,
kung anuman ang sinasabi ng puso ko, kung saan ako talagang masaya.
Dahil pag naging masaya ako, magiging masaya na rin ang mga loved ones ko,
dahil pag mahal ka, ang kasiyahan mo ay magiging happiness na rin nila.

Share This and Inspire Others!

Follow abbiejoice on Twitter

"Reinvent yourself!" Be Inspired and PASS ON your Inspiration. Subscribe Here Free! or JOIN Your Fellow Inspirers at Facebook for a Daily Dose of Quotes, Poems and Inspiring Articles. :-)

Welcome friends! I'm Joyce...

dsc005911
Auditor-CPA turned freelance writer, blogger and novelist! ;) To write an English novel when English is your second language is like trying to climb Mt. Everest. But then whoever said it's impossible to climb it? (Buhay nobelista, buhay Pinoy. Iba nga ba ang mga kuwento sa tunay na buhay? Proudly Pinoy, proudly world class!) More about Joyce...
Proudly Pinoy!
Books & Literature - Top Blogs Philippines

Archives

  • Inspiring Wallpaper of the Day


    My Other Blog